Talecraft - Inspirasyon

marahil, nalalapit na...
habang ako'y nagtitimpla ng tsaa,
isang hanging galing sa itaas ang bumaba...
nagbabanta, nag-aabang.

ito na ba?
nasaan ka na?
naiinip sa iyong pag-alsa,
o hindi kaya'y, sadyang wala ka talaga?

mamamaalam ba?
o magpapapaalam pa lang?
huwag na, ayoko na...
mahal kita, wala akong magagawa.

                            

Revelation - Half

isang mapagpuyat na nilalang,
ang siyang nanatiling nakatangan.
sa isang madalim na daanan,
umaasa't nag-aabang.

nais niyang matapos,
ang lahat niyang naipangako.
ngunit tila hanggang dito na lamang,
siya'y bigo... siya'y bigo.

Rounin - "Kapalit"

Ako'y iyong binalikan,
sapagkat siya'y namaalam;
Aking tiniis ang iyong mga hibik...
kahit alam kong ito'y masakit.

Ngunit nang siya'y bumalik,
Tila kusang nawaglit;
Ang iyong mga pangako...
Nang tayo'y nasa dilim.